LakbayPasay 101

Posted: 01/07/2015 in LifeStyle, Travel

DSC00583

LakbayPasay 101

Ika-18 ng Disyembre, 2014, maaga akong gumising dahil ito ang araw ng aming pagkikita ng aking grupo sa Filipino para gumagawa ng pangkatang proyekto. Aaminin ko na ako ay masaya at sabik ng araw na iyon kaya naging mabilis ang aking kilos ng umagang iyon kumpara sa dati kong kilos.

DSC03338 - Copy

Ang aming lugar tagpuan ay ang STAR CITY sa Pasay City , ika- walo ng umaga sa parking area ng naturang lugar ay dumating ng una si Jean at Carylle. Ako, ang kasunod na dumating na sinundan ni Carl. Sumunod si Kathleen at ang pinakahuli ay sina Benedict, Maxxine, at Christine. Masaya kaming nagkwentuhan at sari-saring mga usapin. Lahat halos ay hindi maubusan ng mga kwento,

DSC03433

Ang una naming destinasyon, ang Cultural Center of the Philippines, dito madalas ang mga pang- sining na tanghalan katulad ng mga konsierto, sayaw, pag-arte at iba . Nasubukan ko na ring makanood ng mga pagtatanghal dito kasama ng aking mga magulang at mga kamag-anak. Ng araw na iyon, inobserbahan namin ang CCP, ang kanyang disenyo at istraktura. Kasabay ng pagkuha ng mga larawan at video ang aming pagtakbo at paglalaro sa malawak na lugar ng CCP. Muling lumabas ang aming pagiging bata.

DSC03454

Sumunod, ang COCONUT PALACE. Ito ang piniling tirahan ng ating Bise Presidente. Kahit gusto naming pumasok sa loob ay hindi namin magawa dahil bawal. Nagtanong kami sa isa’t-isa kung para saan ang lugar na iyon maliban sa pagiging tirahan ngayon ng Bise Presidente ng Pilipinas. Sabi ng aking magulang, dito ginagawa ang mga mararanyang kasalan, pagdiriwang ng malalaking okasyon o pagtitipon. Kaya mula sa aming pagkakatayo ay pinilit lang naming tanawin ito at kinunan na lang namin ng larawan ng pasimple.

DSC03474

Ang Philippine International Convention Center (PICC) naman ang aming sunod na pinuntahan. Katulad ng mga naunang lugar, kami ay masayang nagmasid sa paligid nito kasabay ng pagkuha ng mga larawan. Ang PICC ay lugar na ginagamit sa malakihang kumbensyon ng iba’t-ibang grupo sa Pilipinas. Kadalasan, ginagamit din ito sa pagtatapos ng mga kolehiyong paaralan.

DSC03446 DSC03459

Nasa CCP Complex din ang lugar ng Folk Arts Theatre na ginagamit din sa iba’t-ibang okasyon katulad ng pagtatapos o gawaing pang ispiritual ng mga grupo ng kristiyano at iba pa. At ang lugar ng Manila Film Center of the Philippines na lubhang naging kontrobersyal sa panahon ng rehimeng Marcos dahil sa bilis ng pagpapagawa nito para sa unang International na film fest na ginawa sa ating bansa. Naging malagim ang aksidenteng naganap dito habang ito ay tinatapos. Kaya naman naging tampulan din ito ng kwentong kakatakutan.

Pagod ngunit naging makabuluhan ang aming buong maghapong iyon. Masaya kaming kumain sa Chicken Inasal. Ako ay nag-order ng bangus sisig, katulad ng inaasahan, ang dami naming nakain. Nasulit ang araw na iyon para sa proyektong gawain ng aming grupo. Hanggang sa susunod, sana ay makapasyal muli sa Pasay City.

DSC03484

DSC03344 - CopyDSC00581DSC03351 - CopyDSC03376DSC03369DSC03408DSC03427DSC03443DSC03466DSC03464DSC03478

“ Ang pag lalakbay ay bahagi  na ng ating buhay.  Sa tuwing tayo ay mapupunta  sa iba’t-ibang lugar, dapat  nating  bisitahin  ang  mga makasaysayang pook nito. dahil ang mga makasaysayang lugar na ito  ang siyang nagbibigay kabuluhan sa  ating mga  pinupuntahan at paglalakbay.”

                                  

John Carlo B. Cueto

Manila Science High School

Grade 7-Descartes

Blog Contributor of LarawanAtKape

***

 

Visit my Facebook Funpage;

1235158_582867788432749_1999280796_n TechUpdateAsia images (15)

http://techupdateasia.wordpress.com

https://www.facebook.com/TechUpdateAsia

https://www.facebook.com/LarawanAtKape

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s